P*CHA E’Di Komiks and Brothers Burger

Disclaimer: This is going to be written in my native tongue. I’ve been writing in English since I started blogging here because I want to reach out to my followers who are from foreign countries. However, blogging has become a task to me lately and it sometimes makes me feel lazy to update. So, for this entry.. I’m planning to write in Tagalog. 

If you have any questions, don’t be shy to send a comment or ask me on my ASK BOX.


July 9, 2016 — Ni-launch ni Toto Madayag ang komik book niyang P*CHA E’di Komiks sa Comic Odyssey Fully Booked Bonifacio Global City, Taguig.

Dahil na rin sa may kailangan pang ayusin si Ino sa kaniyang trabaho, dumiretso muna kami sa Hampton Gardens para asikasuhin iyon. Halos mag-aalas kwatro na nang makarating kami sa BGC. Umuulan pa kaya medyo hassle. Pero nung nasa loob na kami ng Fully Booked, medyo nabuhayan na ako ulit ng loob.

Kagaya nung mga nakaraang isinulat ko dito, hindi ako fanatic ng komik books. Hindi ko nakasanayang mag-basa ng mga komiks. Sa katunayan nga, mga high school na ata ako nag-karoon ng interes sa pag-babasa.

Hindi man ako super fan ng comic books, natutunan ko na ding maging interesado kahit papa’no dahil kay Ino. Una kaming nag-punta ng Komiket nuong nakaraang taon. Sumunod naman nuong Komikon, ilang buwan makalipas ang Komiket last year.

Ngayong taon, hindi namin naabutan ang Komiket dahil hindi pala ito 2-day event. Sunday kami pumunta ng Centris at walang nadatnang Komiket, umuwi kaming sawi at dumiretso na lang ng Bridal Fair sa Mega Mall dahil du’n kami nag-punta nung Sabado nung linggong ‘yun.

Nakaabot naman kami sa Komikon pero masasabi kong mas madaming tao ata ang nakapunta ngayong taon. Hindi ko ma-ikumpara ang dalawang event dahil yung una ay 2-days ulit ginanap at etong ngayong taon naman, isang araw lang. So, parang walang choice yung mga tao kung hindi pumunta na lang nung araw na ‘yun dahil wala na, e. Yun na yun. Pero ramdam ko naman ang success ng Komikon. Aba! Pangalawang beses ko atang nakita at nahingan ng autograph si Sir Lyndon Gregorio ng Beerkada, kaya ang saya ko!

Pero balikan natin yung komik book launch ni Sir Toto Madayag.

DSC00393DSC00394DSC00395DSC00396DSC00397DSC00398DSC00399DSC00400DSC00401DSC00402DSC00403DSC00404DSC00405DSC00406DSC00407DSC00408DSC00410DSC00411DSC00412DSC00413DSC00414DSC00415DSC00417DSC00418DSC00419DSC00420

Pasensiya na sa mga blurred lines at sa mga duplicate files. Sa katunayan kasi ay tinatamad talaga akong mag-sulat ngayon. Medyo nahihiya kasi akong kumuha ng litrato dahil baka masita ako. Alam niyo naman, hindi naman ako kilalang blogger. #Feelingblogger lang.

Atsaka, hindi talaga ako masyadong kumportable sa pag-kuha ng litrato sa pampublikong lugar kaya ganito ang kinalabasan. In fairness naman, okay naman siya para sa akin. Sorry na lang kasi hindi ako professional photographer. Naiintindihan ko naman at tanggap kong hindi ako magaling sa larangan ng picture taking. Pero one of these days, pag-aaralan ko ‘yan. Serious.

So, eto ang ayaw ko sa pag-taTagalog, e. Ang dami kong side comment and side kwento. So, asan na nga ba tayo? … Ah! Sa komik book launch!

Nakita niyo naman ‘yung mga pictures, di ba? Actually first time kong pumunta du’n. At ang unang mga salitang nabanggit ko ay “The Saab Magalona Experience.” Nakalimutan ko na yung eksaktong last word, pero nasabi ko ‘yun dahil sa isa sa mga videos niya sa YouTube na parang nag-tour siya duon o may kung ano man o sino man siyang pinakita duon. Bukod pa ito sa entry niya tungkol sa writer ng Crazy Rich Asians na si Kevin Kwan.

So, si Saab ang una kong naisip nung mapadpad kami duon. Medyo inasam ko nga na makita siya duon kaso wala, e. Hindi ko siya natyempohan. As if namang duon siya namamalagi, e ‘noh?

So… back to the komik book launch…

Siyempre, hindi ako masyadong excited dahil hindi ko naman talaga alam kung ano ang ieexpect sa komik book launch ni Mr. Madayag. Una, kasi hindi ko lubos na inakalang ilang floors pala yung Fully Booked duon. Eto yung mga tipo nang lugar na gugustuhin mong bisitahin ng madalas kung may kotse ka lang at hindi trapik o hindi aksayado sa oras at gasolina ang trapik para lang makapunta duon. So, in short… isa ito sa mga trip kong puntahan bukod sa mga lugar tulad ng Route 196 (na hindi ko pa napupuntahan) at Saguijo (na isang beses ko pa lang napuntahan.)

Balik sa kwento…

Dahil sa ang dami kong commercials, ayun… hinagilap namin yung event. Akala namin tapos na kasi parang wala namang kagulo sa una, pangalawa at pangatlong palapag. So, dahil kawawa naman yung kasama kong nag-pareserve ng komik book isang buwan o mahigit bago ang nakatakdang komik book launching, sinuyod pa namin ulit yung lugar.

Maswerteng nahanap namin yung Comic Odyssey sa 4th floor. Tahimik at wala masyadong hype yung lugar nung nakarating kami. Nasabi ko iyon kasi kahit papaano, naimagine ko na kasing dami ng tao ng book launch ni Stanley Chi sa National Book Store ng Edsa Shangri-La ang event ni Mr. Madayag.

Pero, sa estima ko, mga komik book fans naman talaga yung mga naroon at hindi yung mga katulad kong walang alam sa pinapasok nila. Este, hindi katulad kong nakikiuso lang sa paandar ni Ino. Biased ako dito dahil hindi kami nakarating ng 1PM. Aminado kami duon dahil nga nag-punta pa kami ng Hampton Gardens.

Pero, kung wala siyang ibang lakad, ang saya siguro kung nakarating kami ng 1 PM. Dahil na rin sa wala akong alam sa Libreng Komiks, nag-picture picture na lang ako.

Gusto pa sanang mag-stay ni Ino kaso nung ako naman yung gustong lumibot sa YA section, nag-inarte siya at niloko loko ako. At dahil napikon ako, umalis na lang kami ng Fully Booked at kumain. Kasi hindi pa kami kumakain nuong araw na ‘yun.

So, nag-hanap kami ng makakainan na malapit lang sa Fully Booked. Madaming magagandang restos na pwedeng pag-pilian pero dahil ayoko namang sumubok nang hindi kilala (except na lang kung Korean resto ito,) pinili na lang namin yung Brothers Burger sa hilera ng Fully Booked.

Halos nawala na sa isip ko yung kumuha ng picture dahil medyo umuulan nuong panahong ‘yun. Gutom na kami at hindi namin alam ang oorderin dahil first time customers kami.

DSC00421DSC00422DSC00423DSC00424DSC00425DSC00426DSC00427DSC00428DSC00429DSC00430

 

Siyempre, kapag wala kang alam sa isang bagay, ang pinaka-magandang gawin ay mag-tanong. So, dahil wala naman akong ka-alam-alam sa mga pinag-kaiba ng mga burgers nila nag-tanong ako. Hindi ko nga lang nagustuhan yung tono at sagot sa akin nung staff nila.

Eto na yung review ko, ah:

Sa isang establishment na nag-c-cater sa mga customers whether service man ang pino-provide nila or products, importanteng-importante ang knowledge ng staff sa service or products nila.

Natural lang sa isang customer na curious sa produkto o service ang subukan at tangkilikin ang mga iinoofer ng mga establishments na ito. Dito rin nasusubok ang kakayahan ng staff na i-explain sa customer ang products or services nila. Nasa paraan din ng staff na i-explain ang mga kailangang malaman ng customer para ma-enganyo itong bumili o para ma-enganyo itong subukan ang ibinibenta nila.

Meron akong nabasang article tungkol sa leadership. Diniscuss duon ang tangible things at intangible things. Sa summary nung article, sinasabi duon na hindi lamang profit ang mahalaga sa isang businessman. Pati na rin ang kaligayahan ng mga staff nito na pumasok sa trabaho at mag-silbi sa customers. Ang staff din ang isa sa mga dahilan kaya bumabalik o hindi na bumabalik ang mga customers.

Ang problema nga lang sa staff ng Brothers Burger dito, katulad sila ng karamihan ng staff ng CD-R King, may pag-ka-masungit at wala sa lugar. Wala sa lugar in a sense na, kung nag-tanong ka ng maayos, ineexpect mong sasagutin ka ng maayos at hindi barubal.

Nakaka-turn off yun kung tutuusin. Pero pinalagpas ko na lang dahil gutom na kami ni Ino.

So, nag-order na kami at inenjoy na lang yung pagkain nila. Actually, hindi ko masyadong nagustuhan yung inorder kong burger na sinabi nung staff na malambot ang meat at blah blah blah. Siguro na-apektuhan na ang panlasa ko dahil sa approach nung babae sa akin or siguro hindi ko lang talaga type yung pag-kain. Parang, nanghinayang ako sa binayad ni Ino.

Kung alam ko lang na hindi kasing satisfying yung service at yung food na ma-e-experience namin dito, sana nag-Japanese ramen na lang kami or nag-Wendy’s na lang kami.

Binibigyan ko ng 2 and a half stars ang Brothers Burger dahil sa dissatisfaction ko sa customer handling ng staff nila.

Naisip ko lang din, “Paano kaya kung mystery shopper ako?” Siguro, isang malaking kahihiyan sa franchise owner ang magiging feedback ko sa kanila. O siguro, hindi naman ganun kalaking kahihiyan, pero ito ay magiging isang experience na medyo maka-aapekto sa impression ko sa brand nila.

Kaya nga sinasabi kong baka itong branch lang na ito ang may pag-kakamali. Anyway, sana ay hindi na ito maranasan pa ng ibang potential customers na excited at curious sa products and services nila.

Advertisements

I hate promises.

Feeling: Yung parang gusto mong mag-yosi sa inis, kahit hindi ka marunong o hindi ka nag-yoyosi.

Sa panahong gustong-gusto kong sumabog sa inis at galit, napag-decisionan ko na lang na tumahimik.

I tend to choose my words when I’m angry. That’s how I am now. That’s how I am since I met him and every time we fight.

Pag-katapos ng madaming magagandang araw na okay kami. Heto nanaman, silent war.

Nakakapagod na kasing mag-amok. Iisa lang naman ang dahilan kaya ako nagkakaganito at ang dahilan na yun ay dahil may mga simple tayong plano na naiset ko na sa utak ko. May expectations na din ako for that day and for the days after that.

Chinicheck ko kung pauwi ka na, sabi mo kakain lang kayo ng boss at officemates mo. Hanggang sa may konting inuman. Tinext pa kita, sabi mo mga ilang sandali na lang. Tapos susunod tatawagan mo ko para sabihing malalate ka ng uwi at bukas na lang tayo mag-kita?

Aba, ibang klase! Nakapag-ayos na ako ng gamit. Nakapag-midnight snack ma ko’t lahat. Excuse ko na lang na nakapag-bihis na ko pero sana man lang kinonsider mong um-oo ka saken bago sa kanila. Pinag-hihintay mo ko tapos mag-ka-cancel ka ng wala sa oras. Aba! Unfair naman ata yun?!

Ayokong magalit at sigawan ka at makipag-talo nanaman. Tang ina! Hindi nga ako pumasok para ipahinga ang boses ko kasi malat ako tapos makikipag bangayan pa ko sa’yo? Ewan!

Naiinis ako kasi ayoko sa lahat yung nangangako tapos hindi tumutupad sa usapan. Yung mag-papalit ng plano. Buti sana kung walang ibang plano, e.

Yung nararamdaman ko ngayon is more on upset kesa galit.

Oo, minsan lang kayo mag-inuman. Pero last inuman niyo na ba yun? Hindi na ba kayo makakalabas ulit? Grabe naman! Hindi naman ako ganun ka-selfish o ka-inconsiderate, pero di ba sana sa umpisa pa lang sinabi mo nang hindi ka makakapunta kasi baka malate ka ng uwi?

I’m sorry to tell you pero wala akong tiwala sa pag-inom mo lalo na’t kasama niyo si tabatchoy. Yeah, I call her names. And I HATE her. Ang obvious niya kayang makipag-flirt. Hay naku! Naiinis nanaman ako. Basta, isa siya sa mga dahilan. And sa dami ng nangyayari ngayon. I don’t trust you enough para payagan kang mag-pa-umaga sa pag-inom.

I’m so fucking pissed. Sa totoo lang. In fact, nawawalan nanaman ako ng ganang sumama bukas. Kahit wala akong boses sasama ako, kasi it’s not about me naman. Makiki-celebrate lang naman ako. And okay lang yun.

You know how I hate broken promises. Tapos ganito. Bago ako mag-paulit-ulit. Gusto ko lang ilabas yung sama ng loob ko kasi nga naiinis ako sa ginawa mo.

Ang pinaka ayoko sa lahat yung may plano. Nag-hintay ka ng ilang oras tapos sasabihing bukas na lang. Hindi maka-tao yun. Bastusan na yun!

Kung alam ko lang na ganun sana sinamahan ko na lang si mama sa Ark. Pero, dahil may isang salita ako… kahit galit ako, andito pa din ako sa tabi mo.

Of Marriage Proposals

Mag-a-anim na taon na kami. Ilang beses na kaming tinatanong ng kung sino-sino. Relatives, friends, schoolmates, strangers, etc. Kung kelan daw ba ang kasal? At countless times ko na ring sinagot at kinounter ng “Hindi pa napapanahon.” o kaya naman pabiro naming sinasagot ng… “Kung s-sponsor-an niyo ba, sa lalo’t madaling panahon. O kaya bukas!” sabay tawa.

Minsan, hindi ko na din alam ang isasagot ko. Minsan kapag wala na akong kawala sinasabi ko na lang. “Hindi pa niya ako tinatanong, e.”

E, sa hindi pa, e. Ano naman ang magagawa ko dun? Na-p-pressure na din ako sa kada tanong nila. Nakakatakot. Parang mas naiinip pa sila kesa sa akin. Naiinip na din ako, pero anong magagawa ko kung hindi pa siya handa?

Nakakatuwa nga, e. Ilang beses ko mang kulitin si Ino at patutsadahan na handa na ako at hinihintay ko na lang na tanungin niya ako na gusto niya na kong makasama habang buhay, wala e. Hindi pa niya ma-pick-up. Baka hindi pa talaga siya handa. At kung hindi pa siya handa, ayoko siyang pilitin.

Ano ba ang assurance ko na handa na ako? Alam ko na ba ang gagawin ko 5 years from now? Sigurado na ba ako sa magiging kinabukasan ko? Wala namang kasiguraduhan, ‘di ba? Kaya kailangan lagi kang gumagawa at kumikilos.

Nakakatakot ang future. Wala pa akong ipon. For the most part, pang mga panandaliang kailangan lang ang ginagastos ko at mga luho. Hindi pa talaga ako 100% committed sa savings at pag-hahanda para sa future ko. Kelan pa? Pag-30 na ‘ko?

Oo, madaling sabihing mag-b-business ako. Mag-g-ganito ako, ganiyan. Pero sa’n naman ako kukuha ng capital? Ng pang-loan? E, wala pa nga akong napapatunayan. And I’m going to be 27 this year. Tapos mag-aasawa na ‘ko?

Madaling sabihing pag-mag-asawa na kayo kargo niyo na ang isa’t-isa. Pero ayokong maging pabigat sa kanya. Ayokong maging housewife forevs. Gusto ko kumikita ako at hindi umaasa sa pera niya. Gusto kong may kinikita pa din ako at nagagamit ko pa din ang utak at napag-aralan ko kahit part-time lang ang trabaho na yun. Gusto kong maging independent pa din kahit na mag-asawa na kami. Gets?

And marriage? In real time… papel, legalization, magarbong handaan at bisita at preparasyon, yan ang dating ng kasal sa akin. Ilang beses ko na ding dinaan sa biro ang pag-papakasal sa huwes. Aanhin ko ang magarbong entourage, magandang venue, magandang damit, etc. Kung wala naman na kaming kakainin pag-katapos?

Of course, may ideal wedding ako. Ilang kasal na din ang dinaluhan ko pero hindi ko pa din masabi o makita sa sarili ko yung gusto kong wedding set-up. Ang alam ko lang konti lang ang gusto kong imbitahan at ayaw kong mag imbita ng hindi ko close o hindi ko kilala. I mean, solb na ko sa pag-pirma lang ng kontrata sa huwes. I’m not really after the grand celebration. Hindi naman ako nakikipag-paligsahan sa iba, e. Ayoko ding ikumpara ang kasal ko kay ganito o ganiyan.

Pero, in the end… kami pa din ang mag-dedecision. Kaya siguro hindi niya pa ako ma-tanong kasi nag-iipon pa siya ng pera at ng para sa kinabukasan namin.

What’s with marriage anyways?

Produkto ako ng broken family. Hindi ako proud dun pero hindi din naman maalis sa isip ko na pwedeng maulit ang mga nangyari na nuon. Pa’no kung bigla na lang akong iwan ni Ino pag-ka may anak na kami. Sa ngayon, oo. Sasabihin niyang hindi niya gagawin yun at hindi siya ganung klase ng tao. Pero, pa’no na lang kung makahanap siya ng kabit during our marriage? Siguro, isa din yun sa iniisip niya kaya ayaw pa niya akong ayain mag-pakasal. Perhaps, hindi pa siya sigurado sa akin. Baka hindi pa ako ang final answer.

Actually, na-apektuhan ako sa nabasa kong article ni Nina sa Pep. Nabanggit niya kasi na matagal na sila nung boyfriend niya. Sabi niya 8 years na sila at hindi daw dapat sa kanya manggaling ang plano ng pag-papakasal. Hindi daw sa nag-hihintay siya pero kung darating man daw yun, e di darating at kung hindi naman, okay lang.

Nabanggit din niya yung narealize ko sa mga long engagements. Yung tipong mahigit 5 years ng mag-karelasyon tapos nag-hiwalay ng tuluyan. Tapos nakakilala ng iba, naging sila for a year tapos nag-pakasal agad. So, wala daw talaga yun sa tagal.

Kaso, hypocrisy aside… inalagaan mo yung relasyon ng sobrang tagal, pinag-laban mo, nag-invest ka ng oras, buhay, sama ng loob, saya, sakit, lahat lahat na. Tapos ganun ganun lang? Hihiwalayan mo at mag-hahanap ka ng iba tapos mag-papakasal ka agad? Hindi ba parang gaguhan?

Tingin ko kasi sa ganun, hindi sila masaya dahil pinili na lang nila yung taong nakilala nila agad. Not minding kung anong klaseng tao yun. Walang pahinga. Parang rebound lang tapos go na, pakasal na. Parang asan ang foundation dun? Kakakilala mo lang tapos ganun? E, alam naman natin na one or two years… honeymoon stage pa lang yun sa relationship. Wala pa yun sa kalingkingan ng mga pag-subok na pinag-daanan niyo nung previous partner mo… tapos kasal agad?

Eto, opinyon ko lang naman. Ano bang pinag-sasasabi ko, e hindi ko pa naman na-e-experience yung ganung scenario. Kuro-kuro at assumptions ko lang. Nadadala lang ako ng observations and prejudice ko.

The way I see it, yung ganung klase ng marriage parang… pinakasalan mo lang out of fear na wala ka ng makikitang taong mag-mamahal sa’yo o mag-tatangkang mag-propose sa’yo. Or dahil yung taong yun lang ang nag-lakas ng loob na ayain kang mag-pakasal. Dahil yung taong gusto mo, kahit gaano ka katagal na nag-hintay, wala. Natuyo na ang lahat ng natutuyo at hindi dapat matuyo, pero hindi ka pa din natatanong.

Opinion ko lang naman ‘yun. Ano bang alam ko di ba? Pero, may sense naman, di ba?

Siguro, dyan lang umiikot ang fear ko na hindi ako maalok ng pag-papakasal. Somewhat fear, kasi hindi naman din ako mamamatay kung hindi niya ako tatanungin. Pero sigurado akong mag-tataka ako. Sa ngayon, kaya ko pang mag-hintay ngayong taong to or sa susunod. Kailangan ko lang sigurong iwasan yung mga taong tanong ng tanong kung kelan nga ba ako ikakasal. Kasi after that, ano?

Nakakatakot din yung life after getting married, e. Siyempre bubuo ka na ng family atsaka hindi lang sarili mo ang iintindihin mo pati asawa mo. Hindi ka na din pwedeng mag-alsa-balutan kapag hindi kayo nag-kasundo o nag-ka-murahan na kayo.

Siguro, sa akin lang.. sana siguraduhin lang ni Ino na hindi na siya mag-hahanap ng iba kapag tinanong niya ako. Mag-hihintay ako kahit matagal basta ipapangako lang niya at papatunayan sa akin na once na tinanong niya ako kung gusto ko siyang makasama habang buhay, sigurado siyang ako na talaga at hindi na mag-iiba yung gusto niya.

Ako din naman, siguro kapag dumating ‘yung time na yun, worth it yun kasi napag-isipan na namin ng mabuti at talagang sigurado na kami sa isa’t-isa. Hindi na mababawi pa ‘yun at wala ng makakapigil sa aming dalawa.

Siguro, it just takes time. Hindi pwedeng agad-agad dahil madami pang bagay ang dapat na iconsider. Hindi naman kami nag-mamadali. Enjoy-enjoy na lang siguro muna.

🙂

 

Make My Day! [Ongoing]

Excerpt from Make My Day – Chapter 22: Truth Hurts (Theodore Briel Maceda’s POV)

I guess, I hated her. That’s why I didn’t stop them from fighting. Siguro kaya hindi ako nag-e-effort na makita at makausap siya kasi alam kong aawayin niya lang ako. Tatanungin at didiktahan ng gagawin. She often acts as if she owns me and for most of our relationship, hinahayaan ko siya.

Siguro nag-sasawa lang akong sumunod at makinig kasi hindi niya naman ako pinapakinggan at hinahayaang masunod sa mga panahong gusto kong gawin ang mga gusto kong gawin o gawin namin.

It just makes me sad to know na kaya siya nakikipag-landian kay Marcus ay dahil hindi ko maibigay sa kanya ang gusto niya. Gusto pala niya ‘yun? I was just respecting her. I value our relationship and her welfare pero mas gusto pala niyang pinag-paparausan siya.

Hindi ko tuloy maintindihan if she wants Marcus for lust or for love. Masakit isiping nag-break kami dahil I wasn’t man enough for her. When in truth, I was just looking out for her. Sorry Sydney if I didn’t choose to be a douche because even if I don’t love you anymore, I still valued your worth.

But I tried. I tried my best. Sabi nga sa kanta, I guess my best wasn’t enough. Sorry na lang. I gave more than a hundred percent pero siguro nakakapagod lang talagang ma-shutdown ng ilang beses.

Sabi din ni John Lloyd sa One More Chance. “She had me at my worst. You had me at my best, but you still chose to break my heart.” The thing is she had me at my best and she was expecting me to be consistent all throughout the relationship without thinking if I’m having a worst time in my life. Pero, gaya nga ng sinabi ni JL, she still chose to break my heart.

Walang masayang break-up. Kung meron man, ang p-plastik at ang lalaking mga impokrito nung mga taong nag-sasabi non!

Of course, nag-invest ka ng oras, ng feelings, ng buong buhay mo at sarili mo para sa isang taong i-le-let-go ka lang pala sa dulo. Kaya din sabi nila, it’s a risk. Para sa akin, i-co-compare ko ang love sa business:

Love is like getting on a business. You know what’s at stake but you still got to try, to learn if you will be rewarded or if you will be devastated.

Risk siya. Walang assurance na magiging happy ang ending niyo. Si Vice Ganda lang ang nag-sasabing “Walang ending” dahil pino-promote niya ang ABS-CBN Mobile Kapamilya Sim at IwantTV shows. Sa love, walang happy ending. At least, para sa akin, wala.

Akala ko safe na ‘ko. Kasi niligawan ko ang kababata ng barkada ko. Not knowing na gusto din pala ng kabarkada ko ang nililigawan ko. Akala ko may forever, Haha! Tang-ina! Joke time lang pala yung forever! Sa tingin ko nga, du’n nag-simula ang salitang paasa. Kasi umasa akong forever na kami ni Sydney.

Hindi din pala magandang tiwala ka lang sa partner mo. Kasi kahit anong baliktad mo, kahit pala mag-t-tumbling ka o mag-hi-higa ka sa sahig at mag-pa-pa-padyak ng mga paa mo, lolokohin at lolokohin ka niya. Kasi kaya niya. Kasi akala niya pinapabayaan mo lang siya. Hindi pala nag-sink-in sa kanyang nag-ti-tiwala ka lang na aalagaan niya yung relasyon niyo. Apparently, possible pa lang hindi kayo parehas ng take sa relationship.

Siguro, mali din ako dahil binigay ko ang 100% ko. More pa nga. Akala ko may tinitira pa ako sa sarili ko pero wala na pala. Pati yung kaunting percent na tinitira ko para sa sarili ko binigay ko na sa kanya. Tsk. Tsk. Hindi ko man lang namalayan.

Mahirap mag-allot ng para sa sarili mo kasi as time goes by nagiging selfless ka. And by being selfless, na-t-take for granted ka naman ng partner mo kasi nasasanay silang tanggap lang ng tanggap. Kahit na umaasa ka pang ibabalik nila sa’yo yung effort na ineexert mo. Masaklap hindi, e. More like, tanggap lang sila ng tanggap at kapag kulang ‘yun para sa kanila, nag-hahanap pa sila na higitan mo yung kaya mong ibigay. We teach them to beome brats.

Love sometimes teaches us to become selfish.

At sila, hindi mo na maramdamang they are exerting any effort, Ang sakit kasi kahit ako pala, nag-e-expect na maibalik yung ganung affection. Yung kahit konting konting appreciation at acknowledgement. Yung nag-hihintay din pala ako ng kapalit. Ng konting equality o kaya yung maramdaman ko man lang na importante pa pala ako sa kanya.

Pero lumalabas lang na ikaw yung nag-bibigay ng importansya sa relasyon niyo, e. Ikaw yung nag-hihintay. Ikaw yung nag-b-beg. The fact na kailangan mo pang mag-beg para lang mapansin ka, shit.

Tapos ngayon, ibabalik sa’kin ni Sydney na hinahanap niya yung attensyon ko? Na pinabayaan ko siya?

I’m guilty of that. Kasalanan ko din siguro kaya napalapit siya kay Marcus. Siguro dahil hindi ako marunong makipag-communicate. Somehow, iniwan ko lang siya sa ere. Iniwan ko siyang naka-tiwangwang kaya mas pinahalagahan siya ni Marcus. Kasi galit ako, e. Galit ako sa kanila.

Then what happens to Marcus and I? Pa’no ko haharapin ang kinakapatid ng EX ko? Pa’no ko haharapin ang taong nag-papakasarap sa piling ng dati kong girlfriend? Pa’no ko sila haharapin kung palagi kong naiisip na niloko nila ako nung panahong sobra sobra ang respeto at tiwala ko sa kanila?

I guess, hindi lang si Sydney ang nawala sa’kin kung hindi pati na din si Marcus.

Siguro, kung hindi si Marcus ang aalis sa grupo namin, baka ako na lang. Hindi ko kayang makita silang mag-kasama. Sobrang sakit nu’n para sa’kin.

Siguro, selfish ako dahil sarili ko lang ang iniisip ko. Pero, ganito lang siguro talaga ang coping mechanism ko dahil paulit-ulit nila akong niloko.

Pero sana kahit ganito ang naranasan ko, sana maka-move on pa ‘ko.

Sana sa susunod kaya din akong mahalin unconditionally ng taong mamahalin ko.

Sana may nag-e-exist pang ganung tao. At sana buhay pa siya.

http://w.tt/1GZV81Y

 

 

Of Resignations and Other Work Related Rants

Madaming ginagawa sa trabaho. Sobrang daming studyanteng parang kabuting bigla na lang sumusulpot. Sa katunayan nga, naka 51 ako ngayon. Tanggalin mo man ang 11 na deferred, may halos 11 ding ipinalit. Asan ang hustisya?!

Kaya madami sa aking mga ka-trabaho ang nag-file na o mag-f-file na ng resignation dahil sa dami ng kailangang gawin sa trabaho.

Bagong taon. Yan ang trend ng mga tao ngayon. Lilipat hangga’t kaya. Paubos na kami at miski ako, may ilang porsiyento rin na gustong umalis at lumipat. Tama na at sobra na. Pero, marami akong dapat iconsider kung gusto ko ngang umalis.

1. Magiging job hopper na ako nito. Ang dami ko ng nasubukang trabaho at ayoko nang mag umpisa ulit.

Mag-a-apply ulit. Mag-t-test. Mag-t-training. Mag-p-probation. Mag-aantay ng anim na buwan para ma-regular. Maliit na 13th month pay. Bagong patakaran, bagong systema. Bagong adjustments. Bagong pakikisama sa mga ka-trabaho.

2. Age limit. 26 na ako. Mag t-twenty seven na ngayong taon. Maliit na ang chansa kong makahanap ng trabahong pasok ang age bracket ko.

At the same time, sino bang makakapagsabing magugustuhan ko ang kumpanyang iyon? O magugustuhan nila ako? Pano kung ayoko din ng systema nila? Hindi naman ako pwedeng basta na lang lumipat kasi gusto ko lang.

Tumatanda na ako at pumapangit ang record ng empleyado kapag madaming nakalistang trabaho na panandalian lang naman.

3. Stability. Madaming studyante. Madaming trabaho. Madami pang nag-babayad sa kanila. Mas madaming opportunities para ma-promote. Naisip ko ngang bitawan na ang OT at Level Test pag masyado nang madaming gagawin.

Pero, ang punto… hindi naman ako nag-kakaproblema sa sweldo sa kumpanyang ito. Kung tutuusin, mas nakakapag-pundar pa ako.

Hindi nga lang kasing laki ng mga programmer or call center agents ang kita ko pero bawat bente singko ay pinaghihirapan ko naman. May benefits naman kahit walang health card. Dito na din ako nakapag-loan nung kinakailangan ko nang pera.

Alam kong walang stable, pero so far kuntento naman ako at kampante ako sa kakayahan ng kumpanyang bayaran ang trabaho ko.

4. Passion. Mahal ko pa ang trabaho ko kahit nakakapagod. Kahit minsan kailangan kong pumasok ng isang oras na mas maaga kahit 10 hours na akong nag-ttrabaho. Kahit kailangan kong pumasok ng weekend para sa LT. Kahit na kailangan kong pumasok ng holiday. Kahit hindi na ako nakakasama sa family gatherings. Kahit nakakabwisit ang mga studyante. Kahit sobrang OA na sa dami. Kahit na nag-rereklamo pa yung iba.

Ang importante natuto sila. Na-aappreciate nila yung ginagawa mo, yung effort mo, yung patience and dedication mo. Kasi nagiging worth it yung trabaho pagka ganun e. Lalo na yung nag-re-renew ng contracts. Lalo na yung nawawala tapos matapos ang ilang buwan bumabalik. Hindi na lang sa kumpanya, sa studyante na lang na natututo.

5. Bakit hindi ko ipursue ang career ko? Hmmm… bakit nga ba hindi? Mahigit 5 taon na kong underemployed. Kailangan ko nang mag-isip-isip.

Pero ayoko pa. Kaya ko pa. Masaya pa naman ako. Nakakapag-sulat naman ako kahit hindi ko siya gawing profession.

Gusto kong maging writer, hindi journalist. So far, napag-kakasya ko pa ang mga gusto ko dito, sa Tumblr at Wattpad.

Siguro, kung hindi na ako matatanggap na writer pag ayoko nang mag-turo, hindi meant to be. Siguro eto talaga ang calling ko e. Siguro namana ko talaga sa father’s side ko ang pagiging teacher. At kung lumagpas man ang opportunidad sa pag-susulat, no regrets dahil naging masaya at kuntento naman ako.

Siguro hindi pa panahon e. Kaya hindi pa ko bumibitaw. Pero hangga’t masaya pa ko, ieenjoy ko lang.

Word of The Day: Toxic + OA!

Ang toxic ng mga katrabaho ko. Maliliit na bagay na pinapalaki. Mga antics na dapat hindi ginagawang habit kasi trabaho lang naman.

Totoo ngang nakikilala mo ang isang tao as time goes by. At na-o-OA-yan na ko, ah!

Yung isa naman sobrang burara sa gamit naninisi pa ng iba. Tsk. Ayusin mo kasi yung gamit mo! Tsk! Wala kang yaya na maglilinis niyan para sa’yo!

Nadidistract na ko sa mga pagdadabog at pag ggrunt niyo. OA na! Kahit di naman kailangan! Napaka-babaw!

The mere fact na hindi lang naman kayo ang may madaming studyante. Ako nga naka 50 ngayong araw! Grow up!

No New Year’s Resolution

Huli na ba ako para sa 2015?

Nakapag-decide na ako. Hindi ko na gagawin yung mga yearly resolutions na usually ginagawa ko. Bakit? Kasi may nabasa ako.

image

Isang post ng isang Filipina comedian sa Instagram. Sabi ni K Brosas, hindi naman daw kailangan gumawa ng new year’s resolution kada taon dahil kung gusto mong mag-bago, mag-babago ka. Hindi mo kailangan mag-hintay ng December 31 or January 1 para gumawa ng resolutions. Pwede kang mag-bago kaagad or pwede mong gawin ang gusto mong baguhin kahit hindi December 31 or January 1. Although siyempre, hindi eksaktong yan ang sinabi niya, yun yung naintindihan ko sa post niyang yun.

Sa akin siguro, nag-kataon lang na ngayon ko lang na-realize.

Hindi na muna ako mag-o-overreact. Hahayaan ko na lang siya kapag di nag-text, di nag-paramdam. Hindi ko na gagawin yung ginawa ko last year. Na makikipag-matigasan sa kanya. Na palalakihin ang gulo. Hindi ko na lang siya masyadong papakialaman. Katulad last year, kung gusto niya na tahimik lang. Tahimik lang. Kung ayaw niya makipag-holding hands, e di wag. Kung maging cold man siya. Wala naman akong magagawa.

Siguro, iintindihin ko pa siya lalo. Hindi yung masyado akong na-p-praning sa bawat kilos niya. Kahit na gano ako natatakot na mawala siya sa akin. Kahit na na-p-praning akong may iba siyang ka-text o kausap. Kahit na hindi siya consistent na sweet.

Yun, isa yun sa mga babaguhin ko.

Susubukan ko na ding hindi umutang nang walang habas para naman mabawasan ang sakit sa ulo ko.

Planong Paano?

Hindi sumasang-ayon ang budget ko sa plano ko ngayon. Hindi din sumasang-ayon ang panahon sa mga balak kong gawin. Ang dami ko pang dapat bayaran. Kailangan ko pang bumili ng regalo para sa Christmas Party. Kailangan ko ding mag-allot ng pera para sa pag-aayos ng buhok ko, plus make-up.

Baka kung sakali bumili na lang ako ng mga boxes para sa gamit namin at pag-ipunan ang pag-papagawa ng apartment. Baka siguro mas mabuti ‘yun. Kailangan ko pa din kasi mag-bayad ng bills. At ng mga utang. Mag-pagawa ng salamin, ganun.

Kasi hindi ko nabigay sa office yung slip sa SSS. 10 months din yun. Dagdag pa sa stress dahil dalawang beses sa isang buwan ako makakaltasan. Tapos hindi pa ko makakapag loan ulit.

I guess, it was not meant to be. At kailangan kong i-accept yun. Wala, e.

Hays. Nakaka-stress.

Everything happens for a reason talaga.

Nag-give up na ‘ko. Not totally. Medyo nag-give up lang.

Siguro kailangan ko lang i-accept yung fact na hindi napapanahon or hindi kaya ng spending power ko ang pag-papagawa and I’ve pushed a lot of other important things at the farthest to make way to the others na mas kailangan.

Nararamdaman ko nanaman yung self-pity na ako lang mag-isa at walang tumutulong sa akin. Most especially financially. Na mas malaki pa ang expectations ng mga kasama ko sa akin. Na nakakapag-dagdag ng stress ko.

Gusto ko din namang pagandahin ang lugar na tinitirhan ko. Gusto kong gawan ng paraan ang mga bagay-bagay pero hindi ko ito kayang mag-isa. And I somehow feel alone. Lalo na nung Friday.

Nung Friday kasi, narealize kong sa dami ng kailangan kong bayaran, hindi pala magiging sapat ang pera ko na gawin ang lahat. I was so problematic at that time. Mainit ang ulo ko, wala ako sa tamang pag-iisip dahil nakukurta na ang utak ko sa bayarin.

Then, here comes… kailangan ko palang mag-grocery. Kailangan ko palang sunduin si Kelly at ihatid sa kanila. Kailangan ko palang bumili ng para sa Christmas party. Then, nag-sabay-sabay na. Dinagdagan pa ni Ino na naniningil sa mga inutang ko sa kanya. Pero, sagad na ko. Wala na kong mabibigay. Tapos heto siya, alam niya ang sitwasyon ko. Sinasabi niyang sinusuportahan niya ako pero may halong pangungunsensiya naman at panunumbat. Gusto ko nang makipag-away sa kanya nung mga panahon na ‘yun! He’s not helping! Tapos ganun pa…

Pag-dating sa bahay, hindi na ko masyadong kumibo. Mainit ang ulo ko at namro-mroblema. Ke hindi ko siya bayaran o bayaran, hindi na sapat. Dahil akala ko makakabili ako ng cabinet para sa mga damit. Na, hindi naman mag-kakasya sa apartment dahil nga masyado nang crowded. We really need to sort our things.

Enough of the rant.

So, kanina… kurtang-kurta pa din ang utak ko sa kakaisip. Eventually, tinanggap ko na lang na hangga’t walang contact sa karpintero, wala. Hindi pa ko makakatanong ng estimate ng mag-kano at kung kelan ko yun mapapagawa. Kung sa’n ko itatambak yung mga basurang manggagaling sa kwartong ‘to. (I live in a condo by the way. Like an old condo.)

So, in short. Inaccept ko na lang. I’ll just make use of what I have.

Ang hirap kasi. Hindi ko pa alam kung mag-kano yung makukuha kong 13th month pay and if it was worth the year I’ve worked in the company.

Kung yung ibang tao, they are investing their money on gadgets, (I do that too) but my 13th month pay will go to my needs. And, considering na hindi rin naman ako sigurado kung sa akin nga mapupunta ang unit na ‘to. I don’t want to spend most of my money, only to be benefited by the others. Ayokong gumastos ng malaki sa isang bagay na hindi ko naman mapapakinabangan.

Kung ma-se-segrate lang namin ang mga gamit namin, we could make this room tidier. Then, we can find ways on how we can remodel this old apartment.

Sabi nga nila, di ba? It’s a Yes, No or Maybe. Well, sabi ng nanay ko. Depende talaga sa makukuha kong pera kung alin diyan ang sagot. Pero sa tingin ko it’s a maybe.

Hindi madali. Pero I need to prioritize. I need to be calm and be the bigger person. Ayoko ng mag-blame ng ibang tao sa manyayari. Ginusto ko ‘to, di ba? I don’t want anyone’s help? Eto na..

Sa ngayon, I’ll take it a step at a time. And if it’s meant to be, it will.

Alam ko naman ang kakayahan ko. And siguro kailangan ko lang intindihin at tanggapin ang mga bagay-bagay. I’m taking it as a sign of maturity. Hindi ko kailangan isiksik lahat sa isang araw o isang buwan ang mga plano ko. I need to think and re-think and consider. Kailangan ko ring i-accept na may mga oras talagang walang tutulong sa akin, hindi dahil sa ayaw kong mag-patulong, kung hindi dahil may mga taong hindi ka kayang tulungan. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya kong intindihin, pero sana humaba pa ang pasensiya ko.

Tinatanong ko nga din ang sarili ko, e. Bakit ko pa ‘to ipapagawa kung sakaling mag-aasawa din naman ako sa mga susunod na taon? Bakit hindi na lang ako alukin ni Ino na tumirang kasama siya? Bakit parang tinitiis niya ‘ko?

Naiisip ko din na, pa’no na lamang kung wala na pala siyang balak mag-tanong? Saan ako titira? Hindi ako pwedeng umasa sa kanya.

Bakit kailangan ko pang mag-pundar ng sarili kong gamit kung meron naman na siya?

Pero katulad nga ng sinasabi ko sa karamihan ng kakilala ko. Iba pa din ang may sariling trabaho at sariling bahay. Iba pa din yung nagagawa mo lahat ng gusto mo dahil kaya mo at hindi ka umaasa sa kakayahan ng iba.

Magulo pa sa ngayon ang mga plano namin, pero sa ngayon yung sarili ko munang plano ang iintindihin ko. Kakayanin ko ‘to.

#throwback #hugot

Balang araw magiging masaya din ako. Balang araw, may makaka-appreciate din sa akin. Balang araw may mag-mamahal din sa akin nang higit pa sa inaakala ko.

Balang araw, meron ding mag-tatanggol sa akin. Yung hindi ako hahayaang ma-agrabyado. Yung ipag-tatanggol ako sa mga bullshit na tao.

Balang araw, may iintindi din sa akin. Yung kahit hindi ko sabihin, kahit hindi ako umimik, malalaman niya at sasabihin sa akin kung ano ang dapat kong gawin. Yung tipong hindi ko na kailangang iexplain kung bakit ko nararamdaman yun. Yung maiintindihan niya lang. Kasi nararamdaman niyang nasasaktan o nahihirapan ako. At hindi niya gagawing kumplikado ang mga bagay kasi handa siyang intindihin yung nararanasan ko. Makikinig siya, bibigyan niya ko ng oras. Mamahalin niya ako. Ibibigay niya yung sarili niya sa akin dahil alam niyang kailangan namin ang isa’t isa.

Ipaparamdam niya sa aking mahal niya ako at hindi ko kailangang mag-duda. Yung hindi niya ko lolokohin. Yung hindi niya ko paasahin. Yung gigising akong araw-araw na kampante at hindi nag-dududang walang siyang kalokohang ginagawa.

Yung magiging consistent siya sa pag-trato sa akin. Yung hindi siya magiging cold kahit nag-babago siya.

Yung matatanggap ko din siya. Yung hindi ko mararamdaman na pinipilit ko lang intindihin ang lahat. Yung hindi ko iisiping kinakaya ko lang lahat. Yung tanggap ko lahat ng tungkol sa kaniya. Hindi yung dahil wala na lang akong choice.

Balang-araw hindi na ko iiyak at hindi ko na mararamdamang mabigat ang pakiramdaman ko.

Balang-araw makikilala ko din yung taong may halaga sa kanya ang bawat oras. Yung may disiplina. Yung responsable. Yung hindi mo mararamdamang madaming nasasayang na oras dahil sa kapabayaan niya.

Balang-araw mararamdaman ko din yung self-worth. Hindi yung nag-papaka-lugmok ako para sa isang taong hindi ako kayang intindihin. Yung hindi ko na ieexplain yung sarili ko.

Balang-araw makikilala ko din siya.

Kasi sa ngayon, hindi ko nararamdaman lahat ng ito. Pero, balang araw, liligaya din ako.

Best Friend

Na-inspire akong sumulat kahit na makikipag-debate nanaman ako sa oras. Kahit na medyo pagod ako dahil sa OT ko kanina, ayos lang.

Madami na akong naging bestfriends. Madami na din akong nakilalang akala ko mag-tatagal, pero sa kinamidami ng rason, aalis at iiwan din pala ako. Kahit yung mga babaeng kaibigan ko nung high school at college na akala kong sasamahan ako hanggang huli, wala din.. Wala na din kaming communication ngayon. Ni hindi na nga kami nag-babatian pag-birthday ng isa’t-isa.

Hindi ko nga alam kung bakit. Basta na lang silang umaalis. Minsan nag-papaalam, kadalasan basta na lang umaalis at basta na lang din mag-paparamdam.

Dati sinisisi ko pa ang sarili ko kung bakit sila umaalis. Dati nag-tatataka ako kung may nagawa ba ako o nasabing masama.

Eventually, nasanay na din ako. Hindi ko din naman sila mapipilit na mag-stay kung ayaw talaga nila o kung talagang hindi kaya. Nasanay na din siguro ako na wala na sila.

Na kung dati wagas pa ang pag-mamakaawa kong huwag silang umalis… ngayon, hindi ko na lang napapansin. Naging 2 in 1 na nga si Ino, e. Siya na ang lahat. Bestfriend, special someone, kaaway, karamay, kakulitan, shock absorber ko.. pero hindi pa din sapat e. Hindi sa hindi siya sapat. Sa tingin ko lang, hindi ko lahat masabi sa kanya. Na minsan kailangan ko din ng ibang opinyon, ibang taong makikinig at mag-a-advise sa akin. Na may ibang taong makaka-appreciate sa akin o kakampi sa akin. Na matatawagan ko kapag nag-away kami.

Wala. Wala naman akong ganyan. Pero sana meron. Sana mag-karoon.

May mga sinulat akong mga liham na para sa mga naging best friend ko…

Day 6: Write A Letter To Your Best Friend

Listening To: KUNG AYAW MO NA SA AKIN – Sugar Free

Dear Ever Besh Jorilla,

Hahaha! Bestfriend daw oh! Asan ka na nga ulit? Kamusta na nga yung best friend ko dati way back high school? Yung Dylan na lahat ng kolokohan nasusundan yung trip ko? Yung ka-phone pal ko for the longest hour. Yung kakwentuhan ko ng sweet nothings?

Ah, nag-college ka nga pala. Nakakilala ng iba pang kaibigan. Na-who-you pa nga ko. Tapos, nag-ka-girlfriend ka. Nag-seselos yung “girlfriend” mo sa akin dahil sa kaka-kwento mo sa kanya. E, PUTA! Kasalanan ko ba kung ako lagi binibida mo sa kanya? Talagang mag-seselos, ‘yun!

Pero we’re strangers again na di ba? Ilang beses na tayong nagkita at nag-kasabay pero wala, e. Hindi na nga tayo magkakakilala.

Sinabihan naman kasi kita ng “Hindi na kita kakausapin, hindi na kita kukulitin, hindi na kita titignan, as if hindi tayo mag-kakilala.”

Ikaw naman yung very famous line na “Forget me for how long it’s gonna take.”

Shit lungs. Ang laki kong tanga, e. Umasa ako. Nag-habol. Tagal kong umasa  Ang tanga tanga ko nga kasi ilang taon din yung ginugol ko para sa’yo kahit wala ka namang pakielam.

In the end kasi, ako pa din yung mas nag-mahal at umasa, e. Tang-inang unreciprocated love. Unrequited love.

Pero, tanggap ko na ngayon after 9283218371831932642893289xx years. Tanggap ko na.

Siguro, namimiss ko lang yung times na sinasabi mo sa akin yung mga gusto kong marinig. Yung naiintindihan mo ko. Yung prangka mong sinasabi sa akin kung ano yung dapat kong gawin. Yung available ka na makinig kapag kailangan kita. Namimiss ko yun,  Dar…Dylan.

Yung hindi ko na kailangang i-explain kasi naiintindihan mo na. Yung valid yung advices mo. Yung dating close na close pa tayo. Hays…. namimiss ko lang siguro yung ganung friendship. Yung sasabihan ako na ang tanga tanga ko na sa relationship. Na bumitaw na ko. Na I don’t deserve it and other shits.

Wala, e. I let you go, You’re the one that got away.

Naisip ko nga, what would it be like if hindi kami nag-break ni JPI7. Makikilala kaya kita? Si Jasper Lee? Si JT? Si Dane? Si EJMC? Si Ino? Kayo..

Tang-ina lungs, e.

Namimiss ko na yung bestfriend ko. Everything was okay, until she came and spoiled the fun. She had you. I guess, she still does. And I’m just the Qiecha-the-Loser that you knew… Na ngayon di mo na kilala.

How lucky she was, to trade our friendship for a relationship.

Well, ano ba naman ang laban ko sa Magna ba o Cum Laude na Accountant. Na payat. Na perfect. At mahal mo?

Wala. I was just a faceless girl, loser na nakilala mo sa Mirc.

May hang-ups pa, e noh? E GAGO KA PALA, E! ILANG TAON MO KONG BINESTFRIEND TAPOS IIWAN MO KO? Tapos gusto mo okay na yun? Kalimutan na? PUTA! ANG USER MO.

Sana, masaya ka.

Sana inaalagaan ka niya, sana hindi ka niya niloloko. Sana ikaw lang yung mahal niya.Sana, ako na lang yung nasa lugar niya. Yan yung peg ko dati, e. Addict kasi ako.

Oh, well..,

Sana sa susunod, be a man and face me.

Ano ba naman yung konting acknowledgement na naging importante din ako sa’yo at one point of your life. Kahit ba hindi ako BIG DEAL.

Anyway, stay happy and take care of yourself.

– Qiecha