P*CHA E’Di Komiks and Brothers Burger

Disclaimer: This is going to be written in my native tongue. I’ve been writing in English since I started blogging here because I want to reach out to my followers who are from foreign countries. However, blogging has become a task to me lately and it sometimes makes me feel lazy to update. So, for this entry.. I’m planning to write in Tagalog. 

If you have any questions, don’t be shy to send a comment or ask me on my ASK BOX.


July 9, 2016 — Ni-launch ni Toto Madayag ang komik book niyang P*CHA E’di Komiks sa Comic Odyssey Fully Booked Bonifacio Global City, Taguig.

Dahil na rin sa may kailangan pang ayusin si Ino sa kaniyang trabaho, dumiretso muna kami sa Hampton Gardens para asikasuhin iyon. Halos mag-aalas kwatro na nang makarating kami sa BGC. Umuulan pa kaya medyo hassle. Pero nung nasa loob na kami ng Fully Booked, medyo nabuhayan na ako ulit ng loob.

Kagaya nung mga nakaraang isinulat ko dito, hindi ako fanatic ng komik books. Hindi ko nakasanayang mag-basa ng mga komiks. Sa katunayan nga, mga high school na ata ako nag-karoon ng interes sa pag-babasa.

Hindi man ako super fan ng comic books, natutunan ko na ding maging interesado kahit papa’no dahil kay Ino. Una kaming nag-punta ng Komiket nuong nakaraang taon. Sumunod naman nuong Komikon, ilang buwan makalipas ang Komiket last year.

Ngayong taon, hindi namin naabutan ang Komiket dahil hindi pala ito 2-day event. Sunday kami pumunta ng Centris at walang nadatnang Komiket, umuwi kaming sawi at dumiretso na lang ng Bridal Fair sa Mega Mall dahil du’n kami nag-punta nung Sabado nung linggong ‘yun.

Nakaabot naman kami sa Komikon pero masasabi kong mas madaming tao ata ang nakapunta ngayong taon. Hindi ko ma-ikumpara ang dalawang event dahil yung una ay 2-days ulit ginanap at etong ngayong taon naman, isang araw lang. So, parang walang choice yung mga tao kung hindi pumunta na lang nung araw na ‘yun dahil wala na, e. Yun na yun. Pero ramdam ko naman ang success ng Komikon. Aba! Pangalawang beses ko atang nakita at nahingan ng autograph si Sir Lyndon Gregorio ng Beerkada, kaya ang saya ko!

Pero balikan natin yung komik book launch ni Sir Toto Madayag.

DSC00393DSC00394DSC00395DSC00396DSC00397DSC00398DSC00399DSC00400DSC00401DSC00402DSC00403DSC00404DSC00405DSC00406DSC00407DSC00408DSC00410DSC00411DSC00412DSC00413DSC00414DSC00415DSC00417DSC00418DSC00419DSC00420

Pasensiya na sa mga blurred lines at sa mga duplicate files. Sa katunayan kasi ay tinatamad talaga akong mag-sulat ngayon. Medyo nahihiya kasi akong kumuha ng litrato dahil baka masita ako. Alam niyo naman, hindi naman ako kilalang blogger. #Feelingblogger lang.

Atsaka, hindi talaga ako masyadong kumportable sa pag-kuha ng litrato sa pampublikong lugar kaya ganito ang kinalabasan. In fairness naman, okay naman siya para sa akin. Sorry na lang kasi hindi ako professional photographer. Naiintindihan ko naman at tanggap kong hindi ako magaling sa larangan ng picture taking. Pero one of these days, pag-aaralan ko ‘yan. Serious.

So, eto ang ayaw ko sa pag-taTagalog, e. Ang dami kong side comment and side kwento. So, asan na nga ba tayo? … Ah! Sa komik book launch!

Nakita niyo naman ‘yung mga pictures, di ba? Actually first time kong pumunta du’n. At ang unang mga salitang nabanggit ko ay “The Saab Magalona Experience.” Nakalimutan ko na yung eksaktong last word, pero nasabi ko ‘yun dahil sa isa sa mga videos niya sa YouTube na parang nag-tour siya duon o may kung ano man o sino man siyang pinakita duon. Bukod pa ito sa entry niya tungkol sa writer ng Crazy Rich Asians na si Kevin Kwan.

So, si Saab ang una kong naisip nung mapadpad kami duon. Medyo inasam ko nga na makita siya duon kaso wala, e. Hindi ko siya natyempohan. As if namang duon siya namamalagi, e ‘noh?

So… back to the komik book launch…

Siyempre, hindi ako masyadong excited dahil hindi ko naman talaga alam kung ano ang ieexpect sa komik book launch ni Mr. Madayag. Una, kasi hindi ko lubos na inakalang ilang floors pala yung Fully Booked duon. Eto yung mga tipo nang lugar na gugustuhin mong bisitahin ng madalas kung may kotse ka lang at hindi trapik o hindi aksayado sa oras at gasolina ang trapik para lang makapunta duon. So, in short… isa ito sa mga trip kong puntahan bukod sa mga lugar tulad ng Route 196 (na hindi ko pa napupuntahan) at Saguijo (na isang beses ko pa lang napuntahan.)

Balik sa kwento…

Dahil sa ang dami kong commercials, ayun… hinagilap namin yung event. Akala namin tapos na kasi parang wala namang kagulo sa una, pangalawa at pangatlong palapag. So, dahil kawawa naman yung kasama kong nag-pareserve ng komik book isang buwan o mahigit bago ang nakatakdang komik book launching, sinuyod pa namin ulit yung lugar.

Maswerteng nahanap namin yung Comic Odyssey sa 4th floor. Tahimik at wala masyadong hype yung lugar nung nakarating kami. Nasabi ko iyon kasi kahit papaano, naimagine ko na kasing dami ng tao ng book launch ni Stanley Chi sa National Book Store ng Edsa Shangri-La ang event ni Mr. Madayag.

Pero, sa estima ko, mga komik book fans naman talaga yung mga naroon at hindi yung mga katulad kong walang alam sa pinapasok nila. Este, hindi katulad kong nakikiuso lang sa paandar ni Ino. Biased ako dito dahil hindi kami nakarating ng 1PM. Aminado kami duon dahil nga nag-punta pa kami ng Hampton Gardens.

Pero, kung wala siyang ibang lakad, ang saya siguro kung nakarating kami ng 1 PM. Dahil na rin sa wala akong alam sa Libreng Komiks, nag-picture picture na lang ako.

Gusto pa sanang mag-stay ni Ino kaso nung ako naman yung gustong lumibot sa YA section, nag-inarte siya at niloko loko ako. At dahil napikon ako, umalis na lang kami ng Fully Booked at kumain. Kasi hindi pa kami kumakain nuong araw na ‘yun.

So, nag-hanap kami ng makakainan na malapit lang sa Fully Booked. Madaming magagandang restos na pwedeng pag-pilian pero dahil ayoko namang sumubok nang hindi kilala (except na lang kung Korean resto ito,) pinili na lang namin yung Brothers Burger sa hilera ng Fully Booked.

Halos nawala na sa isip ko yung kumuha ng picture dahil medyo umuulan nuong panahong ‘yun. Gutom na kami at hindi namin alam ang oorderin dahil first time customers kami.

DSC00421DSC00422DSC00423DSC00424DSC00425DSC00426DSC00427DSC00428DSC00429DSC00430

 

Siyempre, kapag wala kang alam sa isang bagay, ang pinaka-magandang gawin ay mag-tanong. So, dahil wala naman akong ka-alam-alam sa mga pinag-kaiba ng mga burgers nila nag-tanong ako. Hindi ko nga lang nagustuhan yung tono at sagot sa akin nung staff nila.

Eto na yung review ko, ah:

Sa isang establishment na nag-c-cater sa mga customers whether service man ang pino-provide nila or products, importanteng-importante ang knowledge ng staff sa service or products nila.

Natural lang sa isang customer na curious sa produkto o service ang subukan at tangkilikin ang mga iinoofer ng mga establishments na ito. Dito rin nasusubok ang kakayahan ng staff na i-explain sa customer ang products or services nila. Nasa paraan din ng staff na i-explain ang mga kailangang malaman ng customer para ma-enganyo itong bumili o para ma-enganyo itong subukan ang ibinibenta nila.

Meron akong nabasang article tungkol sa leadership. Diniscuss duon ang tangible things at intangible things. Sa summary nung article, sinasabi duon na hindi lamang profit ang mahalaga sa isang businessman. Pati na rin ang kaligayahan ng mga staff nito na pumasok sa trabaho at mag-silbi sa customers. Ang staff din ang isa sa mga dahilan kaya bumabalik o hindi na bumabalik ang mga customers.

Ang problema nga lang sa staff ng Brothers Burger dito, katulad sila ng karamihan ng staff ng CD-R King, may pag-ka-masungit at wala sa lugar. Wala sa lugar in a sense na, kung nag-tanong ka ng maayos, ineexpect mong sasagutin ka ng maayos at hindi barubal.

Nakaka-turn off yun kung tutuusin. Pero pinalagpas ko na lang dahil gutom na kami ni Ino.

So, nag-order na kami at inenjoy na lang yung pagkain nila. Actually, hindi ko masyadong nagustuhan yung inorder kong burger na sinabi nung staff na malambot ang meat at blah blah blah. Siguro na-apektuhan na ang panlasa ko dahil sa approach nung babae sa akin or siguro hindi ko lang talaga type yung pag-kain. Parang, nanghinayang ako sa binayad ni Ino.

Kung alam ko lang na hindi kasing satisfying yung service at yung food na ma-e-experience namin dito, sana nag-Japanese ramen na lang kami or nag-Wendy’s na lang kami.

Binibigyan ko ng 2 and a half stars ang Brothers Burger dahil sa dissatisfaction ko sa customer handling ng staff nila.

Naisip ko lang din, “Paano kaya kung mystery shopper ako?” Siguro, isang malaking kahihiyan sa franchise owner ang magiging feedback ko sa kanila. O siguro, hindi naman ganun kalaking kahihiyan, pero ito ay magiging isang experience na medyo maka-aapekto sa impression ko sa brand nila.

Kaya nga sinasabi kong baka itong branch lang na ito ang may pag-kakamali. Anyway, sana ay hindi na ito maranasan pa ng ibang potential customers na excited at curious sa products and services nila.

Advertisements

Komiket 2015 – 10/3/2015

Photos taken using my LG G3 camera. More photos HERE!

 

This post is long overdue.

I am not a huge fan of comic books, unlike Ino. Actually going to Komiket was his idea. I don’t know much about comics or Filipino comics in general. I am not quite familiar with the who’s who of Filipino comics. But I used to read Beerkada by Lyndon Gregorio on Philippine Star when I was in grade school or high school. So, I had my fangirling moment when I met him at Komiket.

These photos were taken at Komiket in Centris last October 3, 2015. It was our first Komiket so we were very excited. We went there around 3pm to 4pm until 7 PM and had a very good experience.

What is Komiket?

According to Komiket’s Facebook pageThe Filipino Komiks Market (KOMIKET) aims to discover new comics creators, new readers and celebrate new comic book launches! Kita-kits sa Komiket! 🙂

It was a fun experience. It was an avenue for graphic artists, illustrators, and artists who want to exhibit their self-published works.

They were also selling various stuff from T-shirts to mugs to self-published comic books, different kinds of comic books, mangas, discounted comic books, etc.

There was a painting session for children of all ages too. Some were also selling adult coloring books, paints, pens, paint brushes and other drawing or sketching materials.

Some famous artists and illustrators were featured in the event as well. Wait, I think I kinda mixed up the Komiket and Komikon experience. Haha! But I guess you’ll see most of these this year, if you are interested to come. Of course.

Aside from famous Filipino artists and publishers who have published their own works, there are a lot of young artists who are doing commissions too. Most of them have just started a few years ago and some of them have just joined this event. Oh! There are a lot of handsome and cute artists, and illustrators too! Hehehe…

Since I am not really good at painting, drawing, sketching, MS Paint, Adobe Photoshop, or anything artistic aside from writing and story telling… I can say that it was an awesome experience! I guess there will be more people (those who know how to draw, read and enjoy mangas, hardcore and not-so-hardcore [softcore?] comic book fans, artists, illustrators, or anyone who knows much about drawing, sketching and the like…) who will appreciate this event in 2016. I hope that they can spread the word in advance, like what I’m doing now. Haha!

Oh, Komiket didn’t pay me to advertise their event. Haha! It’s just that I really enjoyed it that’s why I’m posting everything here.

I wish that more people can go and visit the event this year. We are planning to go too.

All in all, it was one heck of an experience and I hope that this year’s Komiket would be more awesome.