SOURCE: https://s-media-cache-ak0.pinimg.com/736x/59/38/bc/5938bcfec7fec854a21066e4a79372cc.jpg

Of Marriage Proposals

Mag-a-anim na taon na kami. Ilang beses na kaming tinatanong ng kung sino-sino. Relatives, friends, schoolmates, strangers, etc. Kung kelan daw ba ang kasal? At countless times ko na ring sinagot at kinounter ng “Hindi pa napapanahon.” o kaya naman pabiro naming sinasagot ng… “Kung s-sponsor-an niyo ba, sa lalo’t madaling panahon. O kaya bukas!” sabay tawa.

Minsan, hindi ko na din alam ang isasagot ko. Minsan kapag wala na akong kawala sinasabi ko na lang. “Hindi pa niya ako tinatanong, e.”

E, sa hindi pa, e. Ano naman ang magagawa ko dun? Na-p-pressure na din ako sa kada tanong nila. Nakakatakot. Parang mas naiinip pa sila kesa sa akin. Naiinip na din ako, pero anong magagawa ko kung hindi pa siya handa?

Nakakatuwa nga, e. Ilang beses ko mang kulitin si Ino at patutsadahan na handa na ako at hinihintay ko na lang na tanungin niya ako na gusto niya na kong makasama habang buhay, wala e. Hindi pa niya ma-pick-up. Baka hindi pa talaga siya handa. At kung hindi pa siya handa, ayoko siyang pilitin.

Ano ba ang assurance ko na handa na ako? Alam ko na ba ang gagawin ko 5 years from now? Sigurado na ba ako sa magiging kinabukasan ko? Wala namang kasiguraduhan, ‘di ba? Kaya kailangan lagi kang gumagawa at kumikilos.

Nakakatakot ang future. Wala pa akong ipon. For the most part, pang mga panandaliang kailangan lang ang ginagastos ko at mga luho. Hindi pa talaga ako 100% committed sa savings at pag-hahanda para sa future ko. Kelan pa? Pag-30 na ‘ko?

Oo, madaling sabihing mag-b-business ako. Mag-g-ganito ako, ganiyan. Pero sa’n naman ako kukuha ng capital? Ng pang-loan? E, wala pa nga akong napapatunayan. And I’m going to be 27 this year. Tapos mag-aasawa na ‘ko?

Madaling sabihing pag-mag-asawa na kayo kargo niyo na ang isa’t-isa. Pero ayokong maging pabigat sa kanya. Ayokong maging housewife forevs. Gusto ko kumikita ako at hindi umaasa sa pera niya. Gusto kong may kinikita pa din ako at nagagamit ko pa din ang utak at napag-aralan ko kahit part-time lang ang trabaho na yun. Gusto kong maging independent pa din kahit na mag-asawa na kami. Gets?

And marriage? In real time… papel, legalization, magarbong handaan at bisita at preparasyon, yan ang dating ng kasal sa akin. Ilang beses ko na ding dinaan sa biro ang pag-papakasal sa huwes. Aanhin ko ang magarbong entourage, magandang venue, magandang damit, etc. Kung wala naman na kaming kakainin pag-katapos?

Of course, may ideal wedding ako. Ilang kasal na din ang dinaluhan ko pero hindi ko pa din masabi o makita sa sarili ko yung gusto kong wedding set-up. Ang alam ko lang konti lang ang gusto kong imbitahan at ayaw kong mag imbita ng hindi ko close o hindi ko kilala. I mean, solb na ko sa pag-pirma lang ng kontrata sa huwes. I’m not really after the grand celebration. Hindi naman ako nakikipag-paligsahan sa iba, e. Ayoko ding ikumpara ang kasal ko kay ganito o ganiyan.

Pero, in the end… kami pa din ang mag-dedecision. Kaya siguro hindi niya pa ako ma-tanong kasi nag-iipon pa siya ng pera at ng para sa kinabukasan namin.

What’s with marriage anyways?

Produkto ako ng broken family. Hindi ako proud dun pero hindi din naman maalis sa isip ko na pwedeng maulit ang mga nangyari na nuon. Pa’no kung bigla na lang akong iwan ni Ino pag-ka may anak na kami. Sa ngayon, oo. Sasabihin niyang hindi niya gagawin yun at hindi siya ganung klase ng tao. Pero, pa’no na lang kung makahanap siya ng kabit during our marriage? Siguro, isa din yun sa iniisip niya kaya ayaw pa niya akong ayain mag-pakasal. Perhaps, hindi pa siya sigurado sa akin. Baka hindi pa ako ang final answer.

Actually, na-apektuhan ako sa nabasa kong article ni Nina sa Pep. Nabanggit niya kasi na matagal na sila nung boyfriend niya. Sabi niya 8 years na sila at hindi daw dapat sa kanya manggaling ang plano ng pag-papakasal. Hindi daw sa nag-hihintay siya pero kung darating man daw yun, e di darating at kung hindi naman, okay lang.

Nabanggit din niya yung narealize ko sa mga long engagements. Yung tipong mahigit 5 years ng mag-karelasyon tapos nag-hiwalay ng tuluyan. Tapos nakakilala ng iba, naging sila for a year tapos nag-pakasal agad. So, wala daw talaga yun sa tagal.

Kaso, hypocrisy aside… inalagaan mo yung relasyon ng sobrang tagal, pinag-laban mo, nag-invest ka ng oras, buhay, sama ng loob, saya, sakit, lahat lahat na. Tapos ganun ganun lang? Hihiwalayan mo at mag-hahanap ka ng iba tapos mag-papakasal ka agad? Hindi ba parang gaguhan?

Tingin ko kasi sa ganun, hindi sila masaya dahil pinili na lang nila yung taong nakilala nila agad. Not minding kung anong klaseng tao yun. Walang pahinga. Parang rebound lang tapos go na, pakasal na. Parang asan ang foundation dun? Kakakilala mo lang tapos ganun? E, alam naman natin na one or two years… honeymoon stage pa lang yun sa relationship. Wala pa yun sa kalingkingan ng mga pag-subok na pinag-daanan niyo nung previous partner mo… tapos kasal agad?

Eto, opinyon ko lang naman. Ano bang pinag-sasasabi ko, e hindi ko pa naman na-e-experience yung ganung scenario. Kuro-kuro at assumptions ko lang. Nadadala lang ako ng observations and prejudice ko.

The way I see it, yung ganung klase ng marriage parang… pinakasalan mo lang out of fear na wala ka ng makikitang taong mag-mamahal sa’yo o mag-tatangkang mag-propose sa’yo. Or dahil yung taong yun lang ang nag-lakas ng loob na ayain kang mag-pakasal. Dahil yung taong gusto mo, kahit gaano ka katagal na nag-hintay, wala. Natuyo na ang lahat ng natutuyo at hindi dapat matuyo, pero hindi ka pa din natatanong.

Opinion ko lang naman ‘yun. Ano bang alam ko di ba? Pero, may sense naman, di ba?

Siguro, dyan lang umiikot ang fear ko na hindi ako maalok ng pag-papakasal. Somewhat fear, kasi hindi naman din ako mamamatay kung hindi niya ako tatanungin. Pero sigurado akong mag-tataka ako. Sa ngayon, kaya ko pang mag-hintay ngayong taong to or sa susunod. Kailangan ko lang sigurong iwasan yung mga taong tanong ng tanong kung kelan nga ba ako ikakasal. Kasi after that, ano?

Nakakatakot din yung life after getting married, e. Siyempre bubuo ka na ng family atsaka hindi lang sarili mo ang iintindihin mo pati asawa mo. Hindi ka na din pwedeng mag-alsa-balutan kapag hindi kayo nag-kasundo o nag-ka-murahan na kayo.

Siguro, sa akin lang.. sana siguraduhin lang ni Ino na hindi na siya mag-hahanap ng iba kapag tinanong niya ako. Mag-hihintay ako kahit matagal basta ipapangako lang niya at papatunayan sa akin na once na tinanong niya ako kung gusto ko siyang makasama habang buhay, sigurado siyang ako na talaga at hindi na mag-iiba yung gusto niya.

Ako din naman, siguro kapag dumating ‘yung time na yun, worth it yun kasi napag-isipan na namin ng mabuti at talagang sigurado na kami sa isa’t-isa. Hindi na mababawi pa ‘yun at wala ng makakapigil sa aming dalawa.

Siguro, it just takes time. Hindi pwedeng agad-agad dahil madami pang bagay ang dapat na iconsider. Hindi naman kami nag-mamadali. Enjoy-enjoy na lang siguro muna.

🙂

 

Advertisements

28 thoughts on “Of Marriage Proposals

      • BrainRays says:

        Ewan ko lang ha, kung ibabase lang sa pelikula’t libro madalas duwag ang mga lalaki sa usapang kasal noh? Ewan ko lang sa tunay na buhay. Haha. Or baka naman kasi may magarbong surprise! (Pampalubag-loob?) Haha. Abangers na lang muna.

        Liked by 1 person

      • CaraPerez says:

        ayoko na ngang humopya, e. Hinihintay ko na lang. Kasi baka pag-lalo kong kinulit lalo akong hindi tanungin. Haha.. Sabi nga, if it’s meant to be it’s meant to be. :)) Pano pala kung di meant to be, ano?

        Like

      • BrainRays says:

        Why not break the norms? Ikaw ang magtanong. May mga babae na ring gumawa no’n pero masyadong risky dahil nga uncommon, baka maweirduhan pa ‘yong lalaki. ‘Yong mga ganitong bagay naman talaga ay hindi minamadali eh. Kaya hintay nga lang muna. Haha. Lame ‘yang “meant to be” phrase na ‘yan. ‘Wag mo nang gagamitin pa. Haha.

        Liked by 1 person

      • CaraPerez says:

        Mukhang hindi kasi ako yung tipong nag-b-break ng norms, e. Siguro kung hindi pa siya handa okay lang. Ayokong mamilit ng ayaw tapos eventually hiwalayan din ang ending kasi napilitan lang siya.

        Ayoko ding mag-propose ng mala-Jamich hahaha.. nasa tamang katinuan pa ko kaya siguro hindi ko gagawin yun.

        Tama ka, hindi nga minamadali ang mga ganitong bagay siguro nadadala lang ako ng trend ngayon. Proposals here, weddings there. Tapos pag bukas mo pa ng Facebook puro mga anak ng kabatch mo ang makikita mo. May feels na napag-iiwanan na ako ng panahon. Sabi nga ng Mojofly, ‘tumatakbo ang oras naiiwan na ako ng panahon.’

        Maghihintay na lang ako. Baka mas malaki pa ang probability ng pagpanalo ko sa Lotto kesa dito prro maghihintay ako.

        Meant to be, parang., kung tayo, tayo talaga. Session road naman, ‘palayain ang isa’t-isa kung tayo tayo talaga.’ Teka, napunta na sa hiwalayan.

        Haha.. baka nga hindi pa siya and the one kaya ganun. Ewan ko. Hindi ako sigurado. Hahaha.. chumi-cheesy na.

        Like

      • BrainRays says:

        Hindi naman nang-iiwan ang panahon eh. Lasapin mo na lang ‘yong buhay single (‘yong pang-civil status na single). Sariwain mo na rin lang ‘yong matagal niyo nang pagsasama dahil sa totoo lang dapat kainggitan ng marami ‘yong mga magkasintahang umaaabot ng maraming taon ang relasyon. Hehe. At habang naghihintay ‘yan ang gawin mo, makinig sa mga tugtugin ng banda. ‘Wag ka nang manood ng JaMich. Walang kwenta ‘yon. Haha.

        Liked by 1 person

      • CaraPerez says:

        Hahaha tama ka. Mukhang madami kang hugot ah. 🙂 siguro naiinip lang ako at na-ppressure. Hindi naman ako nanunuod ng Jamich. Nabalitaan ko lang yun. Hahaha.. maka-kathniel kaya ako. Lol. Este, Jadine pala. Haha

        Like

      • BrainRays says:

        Mas marami kang hugot. Haha. ‘Di ako pamilyar sa Jadine. Tama na ngang kamuhian ‘yong JaMich tapos dinagdagan mo pa ng KathNiel at ng Jadine. Haha.

        Like

      • CaraPerez says:

        Nagbibiro lang naman ako. Minsan lang ako humugot, e. Hindi naman kasi ganun kadami ang experience at kaalaman ko.

        Yan na ang uso ngayon dati jologs na jologs tayo kay Marvin at Jolina ngayon, Kathniel naman ang uso. Haha nawawala na ko sa topic.

        Off topic: bakit gising ka pa?

        Like

      • CaraPerez says:

        Hahaha.. tama. Hype lang daw yun sabi ng iba. Pero habang nakikita ko ang mga tao sa paligid kong kinikilig at nakikipag away sa ibang fandom, gusto kong mag-shrink. Grabe ang fandom ngayon.

        Wala na akong ihuhugot sa ngayon. 🙂

        Like

      • BrainRays says:

        Lalo na sa mga tweens at teenager. Grabe. Idagdag mo pa ‘yong mga Wattpad-stories-turned-into-books. Well, kanya-kanyang generation daw naman pero nakakairita lang na ‘yon ‘yong fad sa generation na ‘to. Buti na lang ikaw ang pinoproblema mo ‘yong “marriage” mo. Haha.

        Liked by 1 person

      • CaraPerez says:

        Beep beep sa wattpad stories. Nag-susulat din ako ng mga stories paminsan. Pero hindi ako kasing hardcore ng iba.

        Re: Generations – tumatanda na tayo. Ang in sa atin jologs sa kanila. Ang jologs sa tin in sa kanila. O, baka ako lang yun? Haha.

        Matagal pa ko sa “marriage,” siguro nadadala lang talaga ako sa mga tao. Haha medyo pinoproblema lanb naman. Haha di naman mga 100% mga 80% ganun hahaha.. tumawad pa e noh?

        Like

      • BrainRays says:

        ‘Yong tinutukoy kong mga Wattpad stories ay ‘yong… alam mo na ‘yon. ‘Yong mga market ay tweens/teenagers na sinasacrifice ang quality. Save Literature raw. Haha. Pero kung magiging objective tayo’t ikukumpara ‘yong generation noon sa ngayon, mukhang napakababaw ng “hobbies” nila ngayon. Well, new lifestyle. Sino ba naman tayong mga tumatanda na para kontrahin mga shit ng kabataan. Haha. Midlife crisis ka na ba agad? Hahaha.

        Liked by 1 person

      • CaraPerez says:

        Yung mga cliche stories sa wattpad pala. 🙂 Save literature talaga! Haha, e kahit nga sa Philippine Cinema and small screen, pare-parehas na lang ng theme. Kung hindi remakes mga super gamit ng storyline. Hays. Pano ba bubuhayin at isasalba ang Literature?

        Haha oo nga din. Nung panahon natin, ganyan din naman tayo. Di ba, walang basagan ng trip? Kaso, ang dami na talagang jeje ngayon. Daming nakikiuso hahaha..

        Midlife crisis na ba yun? Haha

        Like

      • BrainRays says:

        Ang totoo’y ‘di naman yata nalulubog ang Philippine Literature. May minority lang na tumatangkilik ng mga magagaling na Filipino author. Ang point siguro para “masave” ang Philippine Literature ay paratingin ito sa majority ng mamamayan para mas marami silang choices. Hindi lang Wattpad at iba pang mainstream shit. Gano’n din sa pelikula. Buti nga ngayon ay pumapasok na sa mga malls ang indie films. Though maliit pa rin ang market. Pinakahit nga na indie film sa bansa ay ‘yong That Thing Called Tadhana e. Haha.

        Liked by 1 person

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s