Re: That Thing Called Tadhana

Para sa akin, isa sa mga nakaka-inis kapag nanunuod ka ng pelikula ay yung maririnig mo sa mga tao na maganda ang pelikula. Bakit? Kasi mag-e-expect ka. Mag-e-expect ka ng may manyayari, na may pasabog, na meron kang aabangan at hindi mo lang makikita yung trailer na paulit-ulit na pinapalabas sa TV.

Mag-e-expect ka na may dahilan kaya pinapakita yung trailer na yun.

Isa ako sa mga taong huli na nang makita ang pelikulang, That Thing Called Tadhana.

WARNING: Content contains SPOILERS

Feeling ko buong Pilipinas, buong opisina, at lahat ng tao sa paligid ko ay napanuod na ang pelikulang ito. Sinubukan din naman namin pero dahil sa mga dahilan at hindi lang paraan ay wala, hindi nanyari nang naayon sa plano.

Dapat manunuod kami ng aking nobyo sa sinehan nuong araw ng mga puso, pero ano ang silbi ng panunuod ng pelikula sa araw na ‘yun kung mag-kahiwalay naman kayo ng upuan? Para sa’n pang nag-date kayo kung ganun? Ang laking pang-hihinayang ko pa naman nuon. Eto sana ang moviedate namin sa Valentine’s Day.

Isa pa, hapon na yun. Mga bandang 3 P.M to 4:30 P.M. Sa Shang-ri-la Cineplex kami dapat manunuod. Gusto ko din subukang manuod sa Star Mall kaso lang ang sabi ng nobyo ko wala naman daw TTCT duon. Meron din sa SM Megamall kaso dahil araw ng mga puso ‘yun, malamang mas madaming tao at mas mahirap manuod ng sine duon.

Pag-katapos kumain ay dapat manunuod kami ng sine. Kaso nga, walang sinehang bakante kaya hindi na kami tumuloy. I became a bigger person. Inintindi ko na lang ang sitwasyon. Inintindi kong madami talagang taong nag-ce-celebrate ng Valentine’s Day kesa sa Single Awareness Day. Nag-pasya kami ng nobyo ko na kumain na lang sa Japanese restaurant.

In fairness, masasabi kong dahil sa dami nang gustong manuod ng pelikula at dahil matunog ito sa social media ay nag-karoon ako ng impression na maganda nga ang pelikulang ito. Rave reviews, komento ng mga ordinaryong taong nakapanuod na at mga kung anu-ano pang dahilan na impluwensiya ng mga taong nakapaligid sa akin ang nag-udyok na mas lalo akong maging curious sa palabas.

Umasa ako. Umasa ako na merong lalim yung storya. Pero, hindi. Siguro, easy to watch lang siya. Para sa akin mababaw lang yung storya. Hindi siya yung masasabi mong merong kakaiba. Hindi din siya yung tipo nang palabas na mapapaisip ka.

Para sa akin, isa siyang koleksiyon ng mga karanasang parati nating naririnig. It’s a journey of moving on.

Si Angelica Panganiban at JM De Guzman ang mga bida. Nag-kakilala sila sa airport. Medyo hindi realistic yung unang parte, yung part na nag-kakilala sila at nag-desisyong mag-travel sa iba’t-ibang lugar sa Norte.

Si Mace, yung bidang babaeng ginanapan ni Angelica, ay pang-karaniwang babaeng hindi maka-move on sa ex-boyfriend niya at sa mga nangyari sa 8-year-relationship nila ng boyfriend niya. SI JM naman, pumunta ng Rome para makita ang Colosseum, yun kasi ang pangarap nila ng mama niya. Kaso 2-3 years nang patay ang mama niya kaya mag-isa lang siyang nag-punta duon. 

Halos nag-comparing notes sila ni JM (hindi ko maalala ang pangalan niya sa pelikula.) Nag-usap din sila tungkol sa dahilan ng pag-punta nila ng Rome.

Napag-usapan din nila ang mga planong pag-papakasal sa kanilang mga dating nakarelasyon. Na hinintay ni Mace na alukin siyang mag-asawa ng kanyang nobyo pero hindi naman siya tinanong nito. At si JM? Sinabi niyang hindi pa siya ready na mag-pakasal pero nag-sisi din siya sa bandang huli dahil nung narealize niyang yun na pala yung babaeng gusto niyang makasama e, huli na din ang lahat. May asawa’t anak na yung ex-girlfriend niya. Kaya pinili na lang niyang lumimot.

Tinanong din ni Mace kung paano makalimot. Merong isang scene duon na kailangan niyang mag-bayad ng P100 sa bawat beses daw na babanggitin niya ang ex-bf niya. Meron din yung mag-inom, makipag-date, makipag-sex o makipag-one night stand, o mag-hanap ng ibang karelasyon. Isa sa mga sinabi ni JM na nag-work sa kanya ay yung pag-sigaw sa tuktok ng bundok sa Sagada o sa may Sagada. Ginawa din ni Mace yun.

Anyway, 3.5 hearts ♡♡♡•< lang ang rate ko sa TTCT. 3.5 lang dahil hindi ko nagustuhan ang ending.

Maganda naman yung storya. Nabitin lang ako at nag-expect ng kakaiba o nang sobra dahil sa mga narinig kong storya. Siguro, yung ending yung pinakahindi ko nagustuhan. Tama lang bang idahilan na dahil Indie Film kaya ganun? Parang kulang, e. Parang bitin. Parang sana meron pa o mas malinaw pa.

Hindi ko siya gaanong nagustuhan. Don’t get me wrong, maganda ang pag-kakasulat at flow ng storya. Sa ending lang talaga sila bumagsak. Siguro, not my cup of tea.

Kung i-rarate ko ang Relax It’s Just Pag-ibig at That Thing Called Tadhana, mas nagustuhan ko ang pag-lalahad ng storya ng RIJP. Isa na din sa mga dahilan ay ang pag-po-portray ni Ericka Villongco bilang Cupcake sa pelikula. Siya din ang basehan ko sa character ni Sydney sa Make My Day.

Masasabi kong hindi na masama ang pelikulang ito kung sa bahay mo lang panunuorin. Hindi na din masama kung sa DVD o sa sinehan mo ito napanuod. Original man o pirated. Siyempre, hindi mabuti ang pirated, pero… para sa akin, no regrets na sa bahay ko lang ito pinanuod.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s