SOURCE: http://www.aboutlanguageschools.com/images/language-resignation.jpg

Of Resignations and Other Work Related Rants

Madaming ginagawa sa trabaho. Sobrang daming studyanteng parang kabuting bigla na lang sumusulpot. Sa katunayan nga, naka 51 ako ngayon. Tanggalin mo man ang 11 na deferred, may halos 11 ding ipinalit. Asan ang hustisya?!

Kaya madami sa aking mga ka-trabaho ang nag-file na o mag-f-file na ng resignation dahil sa dami ng kailangang gawin sa trabaho.

Bagong taon. Yan ang trend ng mga tao ngayon. Lilipat hangga’t kaya. Paubos na kami at miski ako, may ilang porsiyento rin na gustong umalis at lumipat. Tama na at sobra na. Pero, marami akong dapat iconsider kung gusto ko ngang umalis.

1. Magiging job hopper na ako nito. Ang dami ko ng nasubukang trabaho at ayoko nang mag umpisa ulit.

Mag-a-apply ulit. Mag-t-test. Mag-t-training. Mag-p-probation. Mag-aantay ng anim na buwan para ma-regular. Maliit na 13th month pay. Bagong patakaran, bagong systema. Bagong adjustments. Bagong pakikisama sa mga ka-trabaho.

2. Age limit. 26 na ako. Mag t-twenty seven na ngayong taon. Maliit na ang chansa kong makahanap ng trabahong pasok ang age bracket ko.

At the same time, sino bang makakapagsabing magugustuhan ko ang kumpanyang iyon? O magugustuhan nila ako? Pano kung ayoko din ng systema nila? Hindi naman ako pwedeng basta na lang lumipat kasi gusto ko lang.

Tumatanda na ako at pumapangit ang record ng empleyado kapag madaming nakalistang trabaho na panandalian lang naman.

3. Stability. Madaming studyante. Madaming trabaho. Madami pang nag-babayad sa kanila. Mas madaming opportunities para ma-promote. Naisip ko ngang bitawan na ang OT at Level Test pag masyado nang madaming gagawin.

Pero, ang punto… hindi naman ako nag-kakaproblema sa sweldo sa kumpanyang ito. Kung tutuusin, mas nakakapag-pundar pa ako.

Hindi nga lang kasing laki ng mga programmer or call center agents ang kita ko pero bawat bente singko ay pinaghihirapan ko naman. May benefits naman kahit walang health card. Dito na din ako nakapag-loan nung kinakailangan ko nang pera.

Alam kong walang stable, pero so far kuntento naman ako at kampante ako sa kakayahan ng kumpanyang bayaran ang trabaho ko.

4. Passion. Mahal ko pa ang trabaho ko kahit nakakapagod. Kahit minsan kailangan kong pumasok ng isang oras na mas maaga kahit 10 hours na akong nag-ttrabaho. Kahit kailangan kong pumasok ng weekend para sa LT. Kahit na kailangan kong pumasok ng holiday. Kahit hindi na ako nakakasama sa family gatherings. Kahit nakakabwisit ang mga studyante. Kahit sobrang OA na sa dami. Kahit na nag-rereklamo pa yung iba.

Ang importante natuto sila. Na-aappreciate nila yung ginagawa mo, yung effort mo, yung patience and dedication mo. Kasi nagiging worth it yung trabaho pagka ganun e. Lalo na yung nag-re-renew ng contracts. Lalo na yung nawawala tapos matapos ang ilang buwan bumabalik. Hindi na lang sa kumpanya, sa studyante na lang na natututo.

5. Bakit hindi ko ipursue ang career ko? Hmmm… bakit nga ba hindi? Mahigit 5 taon na kong underemployed. Kailangan ko nang mag-isip-isip.

Pero ayoko pa. Kaya ko pa. Masaya pa naman ako. Nakakapag-sulat naman ako kahit hindi ko siya gawing profession.

Gusto kong maging writer, hindi journalist. So far, napag-kakasya ko pa ang mga gusto ko dito, sa Tumblr at Wattpad.

Siguro, kung hindi na ako matatanggap na writer pag ayoko nang mag-turo, hindi meant to be. Siguro eto talaga ang calling ko e. Siguro namana ko talaga sa father’s side ko ang pagiging teacher. At kung lumagpas man ang opportunidad sa pag-susulat, no regrets dahil naging masaya at kuntento naman ako.

Siguro hindi pa panahon e. Kaya hindi pa ko bumibitaw. Pero hangga’t masaya pa ko, ieenjoy ko lang.

Advertisements

17 thoughts on “Of Resignations and Other Work Related Rants

    • CaraPerez says:

      Haha, wala naman kasing perfect work experience. Makikisama at makikisama ka talaga. May mga bagay na mahirap gawin pero magugulat ka na lang kasi nagagawa mo na. Dito kasi una ang reklamo at hinaing bago sumubok e. Nalulungkot at na-ooverwhelm din ako dahil mga kakilala ko na sila, e. Tapos bigla silang aalis. Pero para sa kanila naman yun. Sana lang may nahanap na silang kapalit kung talagang ayaw na nila dito.

      Like

      • CaraPerez says:

        Hindi lang naman ako ang nagrereklamo tungkol dun. Haha… sana huwag niyong ma-experience yung ganito kasi mahirap. Pero sabi nga nila, experience is the best teacher. Nasa’yo na yun kung paano mo tatanggapin at kung paano mo ireresolba. Sa akin kasi kaya ko pa naman. Hindi nga lang 100% na okay.

        Sabi ng katrabho ko, nililimitahan ko daw ang sarili ko sa kaya kong gawin o gustong gawin. Para sa akin, kuntento lang ako. Hindi pa ko naghahangad ng sobra. Kaya ko pa. Siguro, napupunan pa ng trabaho ko ang mga kailangan at gusto ko. Oo nga’t may mga kumpanyang mas makakapag-bigay ng malaking sweldo, etc. Pero… walang kasiguraduhan kung magiging masaya ako dun. Kaya sa ngayon, okay pa ko. Kaya ko pa. At yun ang decision ko.

        Ayan, dagdag lang. πŸ™‚

        Like

      • BrainRays says:

        Oo nga, Teacher. Ako nga binabalak ko na ring magresign dito sa trabaho ko. Good luck na lang sa susunod na mapupuntahan ko. Kahit may plano’y bahala na rin lang. Hehe.

        Like

      • CaraPerez says:

        Ah magreresign? Bakit naman? Hmmm… basta bago ka magresign dapat may malilipatan ka na. Hindi yung pg resign saka ka palang maghahanap ng trabaho. Mas mahirap yun. Goodluck sa plano mo.

        Like

      • BrainRays says:

        Yes. Aapply muna ko sa iba. Gusto ko na kasing magamit ‘yong pinag-aralan ko kaya tatakas na ko rito sa trabaho ko bago pa man ako mabihag ng tuluyan at makalimutan ang una kong mahal. Haha.

        Like

      • CaraPerez says:

        That’s good. I support you. Bilib ako sa kakayahan mong harapin ang decision mo. Perhaps, hindi yun imprisonment, more of a personal choice. For career growth. Career move. Depende sa reason mo kung bakit gusto mo umalis, pero naging masaya ka naman sa kumpanya mo di ba? Atleast give them some credit. May skills kang na-acquire sa kanila and you should also thank them for that. Maganda yung gusto mong gawin. Sanna maging masaya ka sa magiging trabaho mo.

        Pero, hindi naman siguro yun imprisonment. Siguro, hindi lang siya yung field na nakasanayan mo at feeling mo hindi ka belong or something. I don’t know. Hindi ko alam ang situwasyon mo. Pero, whatever your decision is… i hope you’ll be happy with your choice. πŸ™‚

        Liked by 1 person

      • BrainRays says:

        Wow. Oo nga noh. Mali nga yata talaga ‘yong pagkakagamit ko sa salitang “bihag”. Hindi lang siguro ito ‘yong trip kong gawin. Pero syempre may natutunan din naman ako rito’t malaking bagay sa’kin na ito ‘yong pinakaunang kumpanyang tumanggap sa’kin at naniwala sa kakayahan. Wala naman akong issue sa kumpanya. Gusto ko lang ipush ‘yong gusto ko talaga. Haha. Salamat sa enlightenment, Teacher CaraPerez. Mukhang teacher nga talaga ang calling mo. Apir!

        Liked by 1 person

      • CaraPerez says:

        Haha, walang anuman. Masaya akong makatulong. Siguro mas mavavalue mo ang susunod mong trabaho based sa current experience mo. Sana mas may job opportunities ka sa pipiliin mong trabaho, sigurado ang regularization, on time ang pasweldo at magagamit mo nga ang iyong pinag-aralan. Balitaan mo ko ha!

        Liked by 1 person

      • CaraPerez says:

        DOLE talaga? Haha… di naman ako expert. Yun lang yung mga natutunan ko sa mga naeexperience ko sa trabaho. πŸ˜‰

        Like

  1. bellenere says:

    Pareho tayong job hopper! HAHA Pero sabi nga nila, you may think the grass is greener on the other side but if you take the time to water your own grass, it’d be just as green. Saka naisip ko, paano ako mapopromote sa posisyon na gusto ko kung palipat-lipat ako. πŸ™‚

    Liked by 1 person

    • CaraPerez says:

      @bellenere nakakamove ang mga katrabaho ko kasi. Sila nga, mag momove on na. Ako, wala pang plano. Winiweigh ko pa yung chances ko. Pero sa tingin ko, kung gusto ko talagang maging team leader kailangan kong kayanin ang mga pag-subok sa opisina. One more thing, maglalakad ka nanaman ng NBI clearance and all that requirements.

      Thanks for the comment!

      Like

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s