Planong Paano?

Hindi sumasang-ayon ang budget ko sa plano ko ngayon. Hindi din sumasang-ayon ang panahon sa mga balak kong gawin. Ang dami ko pang dapat bayaran. Kailangan ko pang bumili ng regalo para sa Christmas Party. Kailangan ko ding mag-allot ng pera para sa pag-aayos ng buhok ko, plus make-up.

Baka kung sakali bumili na lang ako ng mga boxes para sa gamit namin at pag-ipunan ang pag-papagawa ng apartment. Baka siguro mas mabuti ‘yun. Kailangan ko pa din kasi mag-bayad ng bills. At ng mga utang. Mag-pagawa ng salamin, ganun.

Kasi hindi ko nabigay sa office yung slip sa SSS. 10 months din yun. Dagdag pa sa stress dahil dalawang beses sa isang buwan ako makakaltasan. Tapos hindi pa ko makakapag loan ulit.

I guess, it was not meant to be. At kailangan kong i-accept yun. Wala, e.

Hays. Nakaka-stress.

Everything happens for a reason talaga.

Nag-give up na ‘ko. Not totally. Medyo nag-give up lang.

Siguro kailangan ko lang i-accept yung fact na hindi napapanahon or hindi kaya ng spending power ko ang pag-papagawa and I’ve pushed a lot of other important things at the farthest to make way to the others na mas kailangan.

Nararamdaman ko nanaman yung self-pity na ako lang mag-isa at walang tumutulong sa akin. Most especially financially. Na mas malaki pa ang expectations ng mga kasama ko sa akin. Na nakakapag-dagdag ng stress ko.

Gusto ko din namang pagandahin ang lugar na tinitirhan ko. Gusto kong gawan ng paraan ang mga bagay-bagay pero hindi ko ito kayang mag-isa. And I somehow feel alone. Lalo na nung Friday.

Nung Friday kasi, narealize kong sa dami ng kailangan kong bayaran, hindi pala magiging sapat ang pera ko na gawin ang lahat. I was so problematic at that time. Mainit ang ulo ko, wala ako sa tamang pag-iisip dahil nakukurta na ang utak ko sa bayarin.

Then, here comes… kailangan ko palang mag-grocery. Kailangan ko palang sunduin si Kelly at ihatid sa kanila. Kailangan ko palang bumili ng para sa Christmas party. Then, nag-sabay-sabay na. Dinagdagan pa ni Ino na naniningil sa mga inutang ko sa kanya. Pero, sagad na ko. Wala na kong mabibigay. Tapos heto siya, alam niya ang sitwasyon ko. Sinasabi niyang sinusuportahan niya ako pero may halong pangungunsensiya naman at panunumbat. Gusto ko nang makipag-away sa kanya nung mga panahon na ‘yun! He’s not helping! Tapos ganun pa…

Pag-dating sa bahay, hindi na ko masyadong kumibo. Mainit ang ulo ko at namro-mroblema. Ke hindi ko siya bayaran o bayaran, hindi na sapat. Dahil akala ko makakabili ako ng cabinet para sa mga damit. Na, hindi naman mag-kakasya sa apartment dahil nga masyado nang crowded. We really need to sort our things.

Enough of the rant.

So, kanina… kurtang-kurta pa din ang utak ko sa kakaisip. Eventually, tinanggap ko na lang na hangga’t walang contact sa karpintero, wala. Hindi pa ko makakatanong ng estimate ng mag-kano at kung kelan ko yun mapapagawa. Kung sa’n ko itatambak yung mga basurang manggagaling sa kwartong ‘to. (I live in a condo by the way. Like an old condo.)

So, in short. Inaccept ko na lang. I’ll just make use of what I have.

Ang hirap kasi. Hindi ko pa alam kung mag-kano yung makukuha kong 13th month pay and if it was worth the year I’ve worked in the company.

Kung yung ibang tao, they are investing their money on gadgets, (I do that too) but my 13th month pay will go to my needs. And, considering na hindi rin naman ako sigurado kung sa akin nga mapupunta ang unit na ‘to. I don’t want to spend most of my money, only to be benefited by the others. Ayokong gumastos ng malaki sa isang bagay na hindi ko naman mapapakinabangan.

Kung ma-se-segrate lang namin ang mga gamit namin, we could make this room tidier. Then, we can find ways on how we can remodel this old apartment.

Sabi nga nila, di ba? It’s a Yes, No or Maybe. Well, sabi ng nanay ko. Depende talaga sa makukuha kong pera kung alin diyan ang sagot. Pero sa tingin ko it’s a maybe.

Hindi madali. Pero I need to prioritize. I need to be calm and be the bigger person. Ayoko ng mag-blame ng ibang tao sa manyayari. Ginusto ko ‘to, di ba? I don’t want anyone’s help? Eto na..

Sa ngayon, I’ll take it a step at a time. And if it’s meant to be, it will.

Alam ko naman ang kakayahan ko. And siguro kailangan ko lang intindihin at tanggapin ang mga bagay-bagay. I’m taking it as a sign of maturity. Hindi ko kailangan isiksik lahat sa isang araw o isang buwan ang mga plano ko. I need to think and re-think and consider. Kailangan ko ring i-accept na may mga oras talagang walang tutulong sa akin, hindi dahil sa ayaw kong mag-patulong, kung hindi dahil may mga taong hindi ka kayang tulungan. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya kong intindihin, pero sana humaba pa ang pasensiya ko.

Tinatanong ko nga din ang sarili ko, e. Bakit ko pa ‘to ipapagawa kung sakaling mag-aasawa din naman ako sa mga susunod na taon? Bakit hindi na lang ako alukin ni Ino na tumirang kasama siya? Bakit parang tinitiis niya ‘ko?

Naiisip ko din na, pa’no na lamang kung wala na pala siyang balak mag-tanong? Saan ako titira? Hindi ako pwedeng umasa sa kanya.

Bakit kailangan ko pang mag-pundar ng sarili kong gamit kung meron naman na siya?

Pero katulad nga ng sinasabi ko sa karamihan ng kakilala ko. Iba pa din ang may sariling trabaho at sariling bahay. Iba pa din yung nagagawa mo lahat ng gusto mo dahil kaya mo at hindi ka umaasa sa kakayahan ng iba.

Magulo pa sa ngayon ang mga plano namin, pero sa ngayon yung sarili ko munang plano ang iintindihin ko. Kakayanin ko ‘to.

Advertisements

2 thoughts on “Planong Paano?

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s