Connection Lost

image
SOURCE

 

Naubos na ang mga luha ko sa mga nakaraang buwang pag-pipigil na umalis ka. Naubos na rin ang pasensiya ko sa pakikipag-talo kung sino ang tama at mali. Naubos na ang kagustuhan kong pigilan ka at mag-makaawa. Naubos na yung pag-t-tyaga at pag-uubaya.

Kasi hindi mo naman nakikita, e. Hindi mo ata nararamdaman.

Sa bawat pag-tatalo, sinasabi mong “Ikaw ang boss.” Sa bawat hindi pag-kaka-unawaan, wala kang ginagawa. Hinahayaan mo lang. Hanggang umabot ng isang araw o dalawa. Ewan ko na kung anong susunod mong gagawin pero ako, napapagod nang amuhin ka.

Akala mo siguro, hahabulin at pipigilan pa kita. Pero, ang hindi mo alam, nilulunok ko lang ang pride ko para sa’yo. Para maayos tayo. Pero, kung ikaw mismo wala sa loob mong mag-kaayos tayo, siguro sapat nang dahilan yun para tigilan na natin ang pag-papahaba ng panahon.

Hindi ko alam kung darating ang araw sa linggong ito na ma-re-realize mong wala na yung babaeng hahabol at mag-mamakaawa sa’yo. At totoong napagod na siya. Napagod na sa kaka-timpi at kaka-paubaya.

Napapagod na din akong tumalikod matapos ang ilang oras o ilang araw e, bumabalik uli sa’yo para mag-paka-tanga. Siguro napapagod at nag-sasawa ka na. Ako din.

Hindi ko alam kung ipag-lalaban mo pa ba ang relasyon na ‘to. Kung gusto mo pa o ayaw na. Kung huli na ba ito at nasasakal ka na.

Aaminin kong hindi ito magiging madali. Pero sabi nga nila wala namang madali. Lahat pinag-hihirapan.

Siguro ayoko na ulit maranasan yung pinag-sisiksikan ko ang sarili ko. Na sa bawat oras o panahon o pag-kakataong ginagawa ko ‘yun lalong bumababa at lumiliit ang tingin ko sa sarili ko. Lalo lang akong nanliliit kasi lalo mong binabale wala ang mga efforts ko. Hindi mo nakikita kasi lagi kong ginagawa. Kasi akala mo normal lang.

Ayoko na. Pagod na ko. Kung hindi mo napapansin yun. Wala na din akong magagawa. Siguro kailangan ko na rin itong ipahinga. Siguro kailangan ko na rin itigil ang aking pag-papaka-tanga.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s